MANILA -- Nailigtas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero ng isang barko na sumadsad malapit sa isang isla sa Batangas City.
Sumadsad ang M/V Divina Gracia malapit sa Malajibomanoc Island sa Batangas.
Ayon sa PCG, dadalhin sa Batangas International Port ang mga nailigtas na pasahero.
Isinakay ang mga pasahero sa BRP Malabrigo ng PCG, na siyang magdadala sa kanila sa daungan ng mga barko.
Sa paunang ulat ni PCG spokesperson Commander Armand Balilo, maga-alas 4 ng umaga nang kanilang matanggap ang paghingi ng saklolo ng roll-on, roll-off vessel na M/V Divina Gracia.
Di pa batid ang dahilan ng pagsadsad ng barko na may 104 pasahero at 20 tripolante, at may lulan ding 12 sasakyan.
Mga 10:30 ng gabi noong Huwebes nang umalis ang barko sa Calapan Port sa Oriental Mindoro, na patungo sanang Batangas City.
Sinubukan ng PCG na lumapit sa barko mula kagabi, ngunit napigilan sila ng malalaking alon.
Source : http://news.abs-cbn.com/news/03/17/17/mga-pasahero-ng-barkong-sumadsad-sa-batangas-nailigtas-na