Ro-Ro nasunog habang papunta sa Batangas



Isang roll-on, roll-off vessel ang nasunog Huwebes ng gabi habang naglalayag sa pagitan ng Calapan, Oriental Mindoro at Batangas City.
Ayon sa Philippine Coastguard, nagsimula ang apoy mula sa engine room ng M/V Rina Hosana ng Montenegro Shipping Line, bandang alas-11 ng gabi.
Nakaresponde kaagad ang mga awtoridad matapos magdeklara ng "abandon ship" ang kapitan.
Nailigtas ang halos 88 pasahero at 26 na tripulante na kaagad nailipat sa ibang barko na pagmamay-ari ng Montenegro Shipping Line.
Bukod sa mga pasahero, lulan din ng nasunog na barko ang mga sasakyan na galing Calapan.
Ayon kay Philippine Coastguard spokesperson Armand Balillo, humina at kontrolado na ang apoy Biyernes, bandang alas-6 ng umaga.
Pansamantalang nakadaong sa Batangas Port ang M/V Reina Hosanna habang nagsasagawa ng special board of marine inquiry ang mga kinauukulan upang matukoy ang totoong naging sanhi ng sunog sa gitna ng karagatan.

Share this

Related Posts

Previous
Next Post »