Sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment ang ilang mga manggagawang kontra sa bagong department order na layong wakasan ang "endo" o kontraktwalisasyon.
Hiling nilang ibasura ang Department Order 174, kung saan naka-lista ang 11 mga gawain ng mga employer na hindi na umano puwede.
Giit rin ng ilang mga labor group na nag-protesta nitong Huwebes na dapat nang bumaba sa pwesto si Labor Secretary Silvestre Bello III na anila'y sumuway sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang wakasan ang "endo."
Sa "endo," tinatapos ang kontrata ng mga manggagawa bago pa sila maging regular, dahilan kung bakit walang mga benepisyo ang karamihan ng manggagawa.