MANILA – Isang fetus ang natagpuan sa center island sa Barangay Plainview sa Mandaluyong madaling araw ng Huwebes.
Nakita pa ng isang residente ang babaeng nagtapon ng nasabing fetus.
Habang naghahatid ng pasahero sa Sto. Rosario, napansin daw ng sidecar driver na si Federico Gonzales ang isang babaeng naghuhukay sa center island pasado 2 a.m.
Nang kanyang balikan, dito na niya nakita ang fetus, na tinatayang nasa anim hanggang pitong buwang gulang na.
Kaagad siyang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Gonzales, madalas niyang nakikita sa barangay ang babaeng nagtapon ng fetus.
Inaalam na ng barangay at pulisya kung sino ang ina ng fetus.
Itinurn-over na rin ito ng SOCO sa funeraria.
Source : http://news.abs-cbn.com/video/news/03/16/17/fetus-natagpuan-sa-gitna-ng-kalsada-sa-mandaluyong