Armored vehicle na bumangga sa fire hydrant, nawalan umano ng preno



MANILA - Walang tigil sa pagbulwak ang tubig mula sa tumagas na fire hydrant sa Alabama corner Hemady sa Barangay Kristong Hari, Quezon City.
Ito'y matapos banggain ng armored vehicle bago mag 11 p.m. Miyerkules.
Pero sa CCTV, makikitang wala itong iniwasan at dire-diretso lamang ang armored vehicle. Bigla na lamang itong pumihit pakanan saka bumangga.
Simula nang mabangga, hindi pa rin lumalabas sa loob ng sasakyan ang driver na kinilalang si Esidro Belsa kahit anong pakiusap ng mga rumespondeng pulis.
Sinubukan muling kausapin ang driver na bumaba pero wala hindi pa rin ito bumaba.
Bandang 1 a.m. nang Huwebes ng dumating ang Manila Water para kumpunihin ang tagas. Sumunod naman ang Meralco para sa tumumbang poste.
Bukod sa fire hydrant at poste, sira rin ang pader.
Hindi naman daw mag-aatubiling magsampa ng kaso ang may ari ng bahay kung saan bumangga ang sasakyan kapag hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang kumpanya ng armored vehicle lalo't malaking perwisyo ang naidulot ng insidente
Bandang 3 a.m. na nang lumabas ang driver mula sa armored vehicle
Maaari siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to properties.

Source : http://news.abs-cbn.com/news/03/16/17/armored-vehicle-na-bumangga-sa-fire-hydrant-nawalan-umano-ng-preno

Share this

Related Posts

Previous
Next Post »