NEGROS ORIENTAL - Papalapit na ang summer. Best time para bisitahin ang natural na mga pasyalan sa Pilipinas na hindi pa gaanong nae-explore.
Gaya ng Twin Falls sa Negros Oriental na bukod sa preskong tubig, may dagdag benepisyo pa dahil sa sulfur content.
Sabi ng tagapamahalang si Susan, marami ang naliligo sa falls dahil nakabubuti rin ito sa katawan.
Meron kasing sulfur content ang tubig na nakatutulong umano sa pagtanggal ng mga sakit sa balat.
Ito rin ang dahilan kaya kulay pula ang mga bato sa paligid ng falls. May P50 na entrance fee para sa mga taga-barangay na nag-aalaga sa lugar.
Source : http://news.abs-cbn.com/life/03/13/17/twin-falls-sa-negros-nakagagamot-umano-sa-sakit-sa-balat