Arestado ang isang babaeng nanghihingi ng pera sa mga taga Las Piñas kapalit ng mga trabaho na hindi naman natutupad.
Bukod sa illegal recruitment at estafa, kakasuhan din ang suspek ng usurpation of authority matapos magpakilala bilang ahente ng Criminal Investigation and Detection Group.